Bakas-Bukas Blog

Marso 15, 2009

Kwento ng “Kwento ng Tatlong Palaka sa Balon’

Filed under: STR(TalamBuhay),Turu-Tuto — bakasbukas @ 1:38 umaga

Marahil napansin ninyo na ang tatak ng aking bakas-bukas blog at ganoon din ang Akademia Lambat-Kalat group ng Facebook ay isang palakang galak na galak nakalabas sa balon. Sinasadya ito.

Ang “palaka sa balon” ay naiuugnay sa akin at sa aking gawaing edukasyon nuong ako ay nasa Pilipinas pa, bagamat hindi ako ang orihinal ng kwentong ito.  Ang aking ambag ay ang “Tatlong Palaka sa Balon” at kung papaano ito ginagamit sa pagtuturo/pag-aaral (principle of teaching and pedagogy) at sa community organizing.

Ang orihinal na kwento ng “palaka sa balon” ay maaring nanggaling sa Tsina, bagamat nuong 1995 nuong nag-handle ako ng isang workshop sa “Understanding Global Situation” ng World Alliance of YMCA sa Thailand, ilang participants mula sa Korea, Taiwan, Malaysia at Hapon ang lumapit sa akin at nagsabing may similar o katulad na kwento ng “palaka sa balon” sa kanilang bayan.

Sa Pilipinas nabanggit ito sa libro ni Amado Guerero “Philippine Society and Revolution” bilang panimula sa isang kabanata: ” In approaching a problem a Marxist should see the whole as well as the parts. A frog in the well says ‘the sky is no bigger than the mouth of the well.’ That is untrue, for the sky is not just the size of the mouth of the well. If it said ‘a part of the sky is the size of the well,’ that would be true for it tallies  with the facts.”

Sa pagbabasa ko ng mga libro ni Mao Ze Dong, laluna sa pag-aaral sa kanyang sinulat na “On Practice” at “On Contradiction” ginagamit niya itong halimbawa o metaphor sa pagpapalawig sa konsepto ng pag-unawa sa heneral at partikular na aspeto ng mga bagay. Tinutukoy nito ang makitid at sinasakupang saklaw ng isang pananaw.

Una kong nabasa ang “palaka sa balon” sa outline ng School of National Democracy ng Samahang Demokratikong Kabataan (SDK) nuong 1971. Nasa third year high school ako nuon sa San Fernando, Pampanga, at ang SDK headquarter sa tabi ng eskwela namin- Jose Abad Santos High School (ngayon ay Pampanga High School) – ay naging sentro ng  operasyon ng mga aktibista sa Central Luzon.

Nahirang ako bilang education officer ng SDK kaya’t sa akin na-entrega ang mga mahahalagang babasahin kasama na ang outline sa teach-ins, PSR at Struggle for National Democracy ni Amado Guerrero( Jose Maria Sison), mga pamphlets ni Renato Constantino, Red Book, The Enemy ni Felix Greene, Imperialism ni Victor Perlo at marami pang iba.

Ginagamit namin nuon ang “palaka sa balon” bilang metaphor sa pagmumulat, katulad sa paggamit sa kwentong “The Foolish Old Man Who Carried the Mountain” sa Red Book sa pagpupunyagi ng paninindigan at komitment ng sarili sa pakikibaka para sa pambansang demokrasya.

Sa panahon ng Martial Law, nalusaw ang mga progresibong samahan tulad ng Kabataang Makabayan at SDK , at naging kilusang lihim ang pakikibaka, naisantabi din ang gawaing malaya at progresibong edukasyon.

Sumulpot muli ang “palaka sa balon” nuong 1976-77 sa gawaing “Room-to-Room” (RTR) para sa pagpukaw at paghikayat sa mga estudyante sa pagsali sa mga ginagawang mobilisasyon sa Mayo Uno sa Luneta, Human Rights rali sa San Marcelino, at pagkilos laban sa pagtaas ng tuition fee sa UP. Ang metaphor na ginamit ko ay pagsisigaw ng palaka sa balon pero hindi pa naririnig ng mga palakang nasa labas. Ang kilos-protestang isinasagawa ay hinahalintulad ko sa pagsigaw ng mga palaka para magising ang ibang palaka sa kani-kanilang balon.

Ginamit ko rin ang “palaka sa balon” sa malaking boykot laban sa dekana ng UP College Baguio nuong 1978. Isa na akong junior faculty ng UP nuon. Para ma-sustain ang maghapong sit-in boykot sa sunud-sunod na araw, ginamit ko ang “palaka sa balon” bilang isang kwentong bayan tulad ng komiks naging serialized o itutuloy at inaabangan ng mga kasama sa boykot. Sa halip na chalk at board, gumawa ako ng props para sa kwento ng “palaka sa balon.” Marami sa mga nakarinig ay tuwang-tuwang at hanga-hanga sa pagbibigay ko ng kulay, buhay  at sigla sa rali at boykot sa kampus.

Kung papaano ang isang palaka ay naging tatlo ay udyok sa pagtuligsa sa Education Act of 1980 at sa paghahanda sa pagkontra sa binabalak na pagpapalaganap ng World Bank funded na textbook ng gobyerno. Naganap ito sa Education Forum (EF) workshop ng mga titser mula sa iba’t ibang Catholic schools.

Ang malaking hamon ng mga resource persons nuon,  kabilang sina Dr. Jaime Veneracion, Dr. Dante Simbulan, at Dr. Nicanor Tiongson na inimbita ni Sr. Sol Perpinan ng IBON para sa Teaching History Workshop sa St. Joseph College sa Quezon City, ay kung papaano maituturo ang structural analysis at wholistic approach sa pag-aaral ng history.Nahirang akong maging isa sa mga resource persons sa halip na participants sa nasabing workshop. Pagkatapos ng workshop binuno namin ni Jimmy V. ang paggamit ng mga metaphors sa pagtuturo ng “wholistic approach” sa pag-aaral ng kasaysayan.

At sa pinablis ng IBON na Teacher’s Manual on Philippine History (1981), heto ang naisulat ni Jimmy: “…A frog inside a well. Looking at the sky, the frog imagined it tobe as big as the opening of the of the well. Until one, the frog heard sounds which would not have come from the sky and it decided to jump outside the well, only to learn that what he knew before was no longer valid. In our story, the truth of the frog’s interpretation or reality hinges on the size of the opening of the well. However, we who are outside the well and who have a set of different givens could easily see that the frog’s perception or reality is limited.”

Iniwan ko ang teaching job sa UP College Baguio, nahikayat ako ni Sr. Sol na mag-full-time sa IBON. Naging responsibilidad ko sa IBON ang pag-popularisa sa mga “facts and figures,” socio-economic concepts and principles at analysis ng “current events” o nat-sit na pang-legal sa iba’t ibang sektor sa lipunan at hindi na lamang mga titser at madre sa Catholic schools.

Madalas ang IBON workshop ay tumatagal ng tatlo hangang limang araw kaya’t sari-sari dapat ang pamamaraan o diskarte ng pag-aaral, mayroong group activity tulad ng ADIDAS (activity-discussion-input-discussion-synthesis), action songs, lecture-presentation at chalk-talk.

Kadalasan sa first day, pumapangalawang session ang chalk-talk ng kwento ng palaka (pagkatapos ng life-line activity).  Sa chalk-talk madali at mahusay na naikukwento ang tagisan ng pananaw ng tatlong palaka. Interactive ang chalk-talk, ibig sabihin aktibong kasangkot sa tagisan ng pananaw ang bawat participants.

Maraming bentahe ang chalk-talk ng kwento ng tatlong palaka sa balon. Naging malaganap ang paggamit nito sa iba’t ibang sektor lalu na ng mabuo ang PEPE (Popular Education for People’s Empowerment). Sa libro ni Robert Francis Garcia “Of Maps and Leapfrogs: Popular Education and Other Disruptions” (1999) naisulat niya na “The Three Frogs is a favorite among popular educators. An “interactive tale,”it provokes listeners to think through their beliefs and challenges their perceptions.” Dagdag pa niya ” MC Canlas coined the phrase ‘Popular Education for People’s Empowerment’ and developed the Three Frog as a pedagogical tool.”

Halos mag-tatatlumpung taon na ang ” kwento ng tatlong palaka” o apat na pung taon mula ng nabasa ko ang “palaka sa balon,” matibay pa rin ang paggamit ko sa aral (learning values) ng kwento. Nakalabas ako ng bansa pero namimirhan sa loob ng komunidad ng mga Pilipino. Katulad sa palakang nakalundag sa labas, lumawak lalu ang aking pananaw, nagka-edad, nagbago ang realidad pero magpahangga ngayon nasa puso, diwa at loobin ko pa rin ang mga palaka nasa balon. Lumalawak ang bunganga ng balon at lumalalim din pala ang balon, nasa loob din ako nito, at sadyang malayo rin ang kalangitan. Pero alam ng mga palaka na ang dilim at liwanag  ay naayon sa sinag ng araw na nagmumula sa silangan. Isang talinghaga.

Mag-iwan ng Puna »

Walang puna.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

%d bloggers like this: