Bakas-Bukas Blog

Hunyo 29, 2009

Si Ben, si Michael at ang haykul batch 1972-73

Filed under: STR(TalamBuhay),Talambuhay — bakasbukas @ 4:54 umaga

Sa mga kanta ni Michael Jackson na sadyang pinakamalapit sa aking puso ay ang walang kupas na “Ben.” Bagama’t wala akong sariling kopyang plaka at tape nito nuon maging hangga ngayon, pero nuong na-launch ang Napster at nagbukas sa libreng pangongopya sa internet ang Ben ni Michael ang isa sa mga naunang nadownload ko.

Ang Ben kasi ang isa sa mga popular na kanta nuong graduating batch 1973 namin sa Jose Abad Santos High School/ Pampanga High School. Kasabay nito ang mga hits songs – Alone Again Naturally, Vincent ni Don Mac Lean (na higit na kilala sa “star, starry night), Song Sung Blue, Killing Me Softly, at the First Time Ever I Saw Your Face ni Roberta Flack, Betcha By Golly, Wow ng Stylistics, Me and Mrs. Jones, Audrey at Guitar Man ng Bread at marami pang memorable tunes. Masarap sariwain sa mga kantang ng panahon na ito dahil ang kadalasang tema ay ang pagkakaibigan. Beautiful at lasting friendships.

Kakaiba talaga ang feeling kapag naririnig mo ang mga kantang ng panahong ito. Hindi lamang bumabalik ang gunita sa masasayang araw sa hayskul, sa piling ng mga kababata at kaklase,maging sa mga nililigawan at puppy love, kundi maging ang “inosenteng” panahon ng Martial Law. Kami ang high school batch (1972-1973) na unang nakatikim ng Martial Law. Bagamat may curfew rin nuong bata pa kami, mga1960s sa Pampanga, panahon ng Beatles at Monkees, ang tinutukoy ko ay hindi band groups kundi mga armadong grupong Huk (HMB) at ang mga inarmahang ex-con pantapat sa Huk at komunista sa Central Luzon. Ang ibig sa sabihin ng “curfew” sa aming mga fourth year high ay “stay-in” ang mga party. Walang uwian ika nga. Magdamagan sa isang bahay, hanggang mag-umaga, kapag wala ng bisa ang curfew at duon pa lamang magsipag-uwi. Panatag din ag loob ng mga parents namin kung “stay-in” kami sa halip na makipagsapalarang umuwi, na maari pang mahuli ng pulis at dadalhin ka sa munisipiyo.

Kaya’t imagine na lang sa haba ng oras, makailang beses paulit-ulit maririnig at masasayaw ang mga kanta. Sa pagdaan ng araw, maging sa ngayon, conditioned o nakatatak na sa kamalayan itong mga high school memories, at kapag narinig ang mga kanta ng period na ito na siguradong magmememory lane trip ka. Ito ang nangyari sa akin nang mabalitaan ko biglang pagpanaw ni Michael Jackson. Hindi ang Thriller at Billy Jean ang binalikan ko sa youtube kundi ang Ben.

Ben ang pang-sweet na sayaw, masarap na pang-akbayan at dikit na dikit sa kapartner, sa may kadiliman na sayawan, kahit na spaghetti, hotdog at punch lamang ang handa, okey na talaga ang party. “Stay-in” pa kaya da best talaga. Mahaba-haba ang oras ng kasayahan, huwag lang mag-complain ang mga kapitbahay. Sa mga nagliligawan, okey na okey na ang pagkakataon. May mabuti rin palang nagagawa ang curfew.

Kakaiba ang batch 1972-73. Ang simula ng klase ay malaking baha, halos lumubog sa tubig ang buong Luzon. Sinasabi nila nuon na 40-days-40-nights na walang tila ang ulan, tulad raw sa nakasulat sa Bibliya. Ilan sa aming magbabarkada, mga kasamahan ko rin sa SDK (Samahang Demoratikong Kabataan) ay nakilahok sa Operasyon Tulong (OT). Kami ang lokal na balangay na inaasahang tumulong sa mga aktibistang mula sa Maynila na lumusong sa baha para maabutan ng relief food at gamot ang mga nasalanta ng baha. Halos hanggang leeg ang taas ng baha. Ilang araw at linggo rin nakababad ang aming katawan sa baha. Basang-basa. Gayun pa man, hindi maipaliwanag ang walang kapaguran at kahit basang-basa, pero malakas pa ring ang mga paninindigan at kusang loob sa paglilingkod sa mga nasalanta ng baha.

Pagkatapos ng baha, lumahok naman kami sa pag-aayos ng mga sinira ng baha sa aming eskwela, sa kapit-bahayan at maging sa mga bukid at parang. Sa eskwela, ginawa namin ang pagkakarpentero ng mga winasak na silid aralan at pag-aayos ng mga daanan. Sa mga baryo ay ang paglilimas at pag-aayos ng daluyan ng tubig, pag-aalis ng mga putik sa loob ng mga bahay. Sa bukid naman, pag-aayos ng mga sakahan at pagbubungkal sa dating ilog na natambakan ng lupa mula sa sakahan dulot ng lakas ng agos nagmula sa Clark Field sa Angeles ng pinasabog nila ang mga dike sa side ng San Fernando para hindi raw maabutan ng baha ang mga eroplanong nasa kampo. Kahit nuon inuuna ng US ang interest nila bago sa kapakanan at kaligtasan ng mga Pilipino.

Talo ng Operasyong Tulong ng mga aktibista (Masmed- Makabayang Samahang Mediko, PKM- Pambansang Katipunang Mediko, KM at SDK) sa pakikipag-ugnayan sa ABS-CBN ang relief operation ng gobyerno, kahit may mga helicopter na nagbabagsak ng mga nutriban na tinapay kaloob daw ng First Lady. Ilan buwan pagkatapos ng OT nadeklara ang Martial Law. Dahil kami ang nakakapagsalita ng Kapampangan, pinapaliwanag namin ang ugnayan ng baha at ang imperyalismo at burukrata kapitalismo.

Sa panahon ng Martial Law, wala ng magandang pakinggang sa radyo kundi ang mga kantang sumikat sa US, nagkataon na ito rin ang panahon ng young composers at“great writing songs.” Nawala na ang radio patrol at mga matatapang na komentaryo sa radyo. Ang creative energy naming magkakabarkada sa “Serve the People” at “makibaka huwag matakot” ay pansamantalang pumailalim sa pag-oorganisa ng mga “stay-in” parties at panliligaw. Nagbibinata at nagdadalaga na rin ang aming batch kaya’t OK na OK. Looking back, OK din ang nangyari, higit naming na-appreciate ang himig at tunes ng aming batch. Nagkaroon ng bagong idolo – Michael Jackson and the Jackson Five, Stylistics, Cat Stevens, Bread, Carpenters, Roberta Flack, Elton John, Paul Simon, Don Maclean at marami pang iba.

Marahil katulad ko sa pagyao ni Michael Jackson, marami sa aking mga kababata at kaklase ang lumipad ang mga diwa sa period ng batang Michael Jackson, nuong afro pa ang usong buhok. Sana maisip ng aking mga kababata na magbukas ng Facebook at maging friends muli, and mag-continue keeping in touch. Sana mabasa nila ito. Nakakamiss talaga ang nakaraan, lalu na ang high school days.

Ben, youre always running here and there (here and there)
You feel you’re not wanted anywhere (anywhere)
If you ever look behind
And don’t like what you find
There’s something you should know
You’ve got a place to go – FACEBOOK.

Thank you Ben. Salamat Michael Jackson. RIP.

Mag-iwan ng Puna »

Walang puna.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Lumikha ng libreng website o blog sa WordPress.com.

%d bloggers like this: